-- Advertisements --

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) na piliin ang maging marangal at palaging manindigan sa tama at gampanan ang kanilang tungkulin ng buong katapatan at katapangan.

Giit ng Pangulo na sa mundo ngayon, madalas pinagtatalunan ang katotohanan at madaling maligaw ang katapatan.

Ayon sa Pangulo maraming hamon ang kinakaharap ngayon ng Pambansang Pulisya, naniniwala ito na ang Sinaglawin Class of 2025 ang magdudulot ng pagbabago at magdadala ng pag-asa sa police organization.

Pina-alalahan din ng Pangulo ang mga bagong graduates na Pulis na depensahan ang konstitusyon, pagtibayin at patatagin ang propesyonalismo sa hanay ng kanilang organisasyon.

Sinabi ng Pangulo na hindi hangad ng bansa na maging perpekto ang mga ito subalit hiling nito sa mga bagong Pulis na dapat maramdaman ng publiko ang kanilang presensiya lalo na sa law enforcement.