Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malapit ng makamit ng pamahalaan ang target nitong maiangat ang mga Pilipino mula sa kahirapan.
Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive sa harap ng target ng Administrasyon na mapababa Ang antas ng kahirapan ng siyam na porsiyento pagdating ng 2028.
Ayon sa Pangulo, lahat aniya ng mga pinakahuling Datos na lumalabas na may kaugnayan sa paglakas ng ekonomiya, pagtaas Ng employment rate at pagtaas ng investments sa ilalim ng Build Better More ay patungo sa nasabing target na mapababa ang antas ng kahirapan sa Bansa.
Sa pinakahuling data, bumaba sa 15.5% ang poverty rate sa Pilipinas.
Lumalabas na 2.5 milyong mga Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan habang nasa 10.9 percent na mga pamilyang Pinoy ang nananatiling mahirap.