Asahan na ang pinahusay na ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore na bunga ng pangakong talakayan sa pagitan ng dalawang leader.
Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., matapos makipag pulong kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong at Deputy Prime Minister Lawrence Wong.
Palalakasin ng dalawang bansa ang ugnayan at pakikipag tulungan sa ibat ibang aspeto partikular ang pagharap sa global challenges.
Kinumpirma naman ni Pang. Marcos na sabay sila nanunod ni Prime Minister Lee ng Ferrari clinch F1 Grand Prix.
Ang pagdalo ni Pang Marcos sa F1 Grand Prix ay dahil sa imbitasyon ni Prime Minister Lee.
Nasa Singapore ang Pangulo para sa isang official visit para dumalo sa 10th Asian Conference.
Samantala, humarap din ang Pangulo sa mga negosyanteng taga- Singapore sa pamamagitan ng isang roundtable discussion.
Sinabi ng Pangulo na simula pa lang ng bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa ay walang anomang diplomatic at political issue .
Ito aniya ang dahilan kaya’ t dumating din ang pagkakataon na ang pinakamalaking source ng foreign investment ng Pilipinas ang Singapore.
Naniniwala si Pang. Marcos na mas marami pang oportunidad ang nakatakdang dumating sa pagitan ng dalawang bansa.