Target ng mga naghain ng petisyon sa korte suprema kaugnay sa 2025 national budget ay patigilin ang operasyon ng bansa na bahagi ng kanilang planong destabilization.
Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa isang panayam kanina sa Cebu City.
Ayon sa Pangulo walang ibang dahilan kung bakit hinamon ng grupo nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa SC ang 2025 national budget dahil nais ng mga ito matuloy ang kanilang destabilization na ginagawa.
Tahasang sinabi ni Pangulong Marcos na sa tingin niya ito ang gustong mangyari ng mga taong patuloy na sinisiraan ang pambansang budget, ang tuluyang magsara ang operasyon ng gobyerno para maipagpatuloy ang tangkang destabilisasyon.
Ayon sa pangulo, sakali kasing hindi pumabor sa gobyerno ang pasya ng kataas taasang hukuman kaugnay ng kinu kwestyong pambansag budget, walang contingency measures dito ang gobyerno, kundi sadyang magsasara ang operasyon.