Target ng Pilipinas at India na i-elevate pa ang bilateral relations ng dalawang bansa na umabot na sa 75 na taon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahalaga na ma-elevate ang bilateral relations ng Pilipinas at India lalo at ngayon dapat matutukan ang mga geopolitical issues sa Indo-Pacific region.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag, kasunod ng isinagawang courtesy call ni Indian His Excellency Pabitra Margherita, Minister of State for External Affairs ng Republic of India kaninang hapon sa Malakanyang.
Lubos naman nagpasalamat si India Minister of State for External Affairs, His Excellency Pabitra Margherita kay Pang. Marcos sa suporta at kooperasyon.
Ipinagmalaki din na ibinahagi ni Margherita kay Pangulong Marcos na matapos makuha ng India ang kanilang independence unang nagkaroon sila ng bilateral relations sa Pilipinas.
Ipinaabot din ni Margherita kay PBBM ang pagmamahal at respeto ng mga Indian people sa kaniya.