Tinawag na “completely unacceptable” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inihayag ng China na kanilangdetention policy laban sa mga “trespassers” sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos matapos ihayag ng Beijing na kanila ng pinapayagan ang kanilang Coast Guard na iditine ang mga trespasssers na dumadaan sa kanilang territorial waters.
“That kind of action would be completely unacceptable to the Philippines. I do not talk about the operational details so you will [have to] leave it to us but the position we take is that is unacceptable,”pahayag ng Pang. Marcos.
Hindi naman idinitalye ni Pangulong Marcos sa kung papaano ito tugunan ng Pilipinas lalo na ang mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Gayunpaman ayon sa Presidente gagawa ng paraan ang kaniyang gobyerno upang maprotektahan ang mga Pilipino.
Sa ngayon mas lalong umiinit ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa patuloy at iligal na pananakop ng Chinasa ilang bahagi ng EEZ ng bansa.