Dapat maging handa ang Pilipinas sa anumang mga external threats bilang resulta sa tumataas na geopolitical tension sa Indo-Pacific.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng kinausap nito ang mga miyembro ng Philippine Army’s 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela.
Ayon sa Pangulo malapit lamang ang Pilipinas sa Taiwan kung saan nagpahayag ng interest din dito ang China, kaya mahalaga na ang northern part ng Pilipinas ay maging handa sa anumang mga eventuality.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos sa mga sundalo na kabilang sa kanilang misyon ngayon ay ang territorial defense mula sa external threats.
Ibig sabihin handa ang mga ito na depensahan ang teritoryo ng bansa.
Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na minamantini lamang ng Pilipinas kung ano ang atin at hindi pwede na kukunin ito na basta basta na lamang kahit isang pulgada ng ating teritoryo.
Ang Cagayan ay kabilang sa mga lugar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil geopolitical landscape at mga banta.