Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagsuri sa alyansa ng Pilipinas at Amerika partikular sa sitwasyon sa West Philippine Sea at Indo Pacific Region.
Ipinunto ng Presidente ang kahalagahan ng pagiging bukas ng komunikasyon ng dalawang bansa.
Nasa Pilipinas ngayon sina US Secretary of State Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin ngayong araw para dumalo sa 2+2 meeting.
Ayon kay Pang. Marcos mahalagang mapag aralan at muling masuri ang alyansa ng Pilipinas at Amerika hinggil sa sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea at Indo Pacific Region.
Naniniwala ang Pangulo na magkatugma naman ang tugon sa mga usaping ito ng parehong bansa.
Sinabi pa ng pangulo na lumakas pa ang kanilang alyansa at partnerships ng amerika mula sa mga aktibidad na magkasamang ginawa ng parehong bansa sa mga nakalipas na buwan kabilang na ang trilateral meeting na ginanap sa Washington.
Ayon pa sa Pangulo, masaya siyang makita ang dalawang US officials, sa gitna ng aniya ay interesanteng sitwasyong pampulitika ngayon sa Amerika.
Nalulugod aniya siya na nahanapan pa nina blinken at Austin ng oras ang pagbisita rito sa pilipinas.