Nakapokus ang pamahalaan sa judicial process na harapin ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at hindi sa page- extradite nito sa Estados Unidos kung saan mayruon din itong kinakaharap na mga asunto.
Sa panayam kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sinabi nitong nagawa na ng nasa ehekutibo ang utos ng Korte na arestuhin ang religious leader at nasa kamay na aniya ngayon ng judiciary ang susunod na hakbang kay Quiboloy.
Ayon sa Presidente ang tinitingnan ani nila sa pagkakataong ito ay ang pag-usad sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa bansa kaysa ang maipa- extradite ito sa US.
At ngayong hawak na ng gobyerno si Quiboloy, inihayag ng Chief Executive na hindi niya nakikitang anyo ng pagsuko ang naging paglutang ng KOJC leader.
Sa naging sitwasyon aniya Ng tinaguriang son of God ay napilitan na lamang itong lumutang gayung sukol na ito ng mga otoridad.
” Well, the extradition request is not yet there. Besides the judicial processes that Apollo Quiboloy is going to have to go through now locally still have to be done. Because we have what has been done is that we have implemented and enforced an arrest warrant that was issued by the court. And therefore it is now between – it is now in the court’s hands, wala na sa executive ito. Kami sa executive ang ginawa lang namin in-implement lang namin, in-enforce lang namin ang order ng court. So that is the situation now. We will have to look at that. But for the moment, hindi extradition ang tinitingnan natin. Ang tinitingnan natin ay ‘yung mga kaso na mga complaint na pinila dito sa Pilipinas at ‘yun muna ang kailangan niyang harapin,” pahayag ni Pang. Marcos.