-- Advertisements --
“Never say never”
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na nasa “point of no return” o Hindi na maayos ang kanilang relasyon na maging magkaibigan.
Sa ambush interview sa Lucena City, iginiit ni Marcos na hindi siya magsasabi ng tapos kaugnay ng ugnayan nila ng pangalawang pangulo.
Mababatid na dati na ring sinabi ni VP Sara na hindi sila talagang magkaibigan ni Pangulong Marcos.
At ang tanging kaibigan niya ay si Senator Imee Marcos.
Mas tumindi ang bangayan ng dalawa makaraang magbanta ni VP Sara na ipapapatay ang Pangulo, si first Lady Liza Marcos, at house speaker Martin Romualdez.
Sinabi naman ni Marcos na papalagan nya ang mga atake ni Duterte.