Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawan nila ng paraan ang ₱12 billion na kinaltas sa budget ng Department of Education (DepED).
Ayon sa Pangulo, ang ginawang budget cut ay salungat sa mga polisiya ng administrasyon sa usapin ng pag-unlad ng STEM o Science, Technogy, Engineering, and Mathematics gayundin sa pag-unlad ng sektor ng edukasyon.
Sinabi ng Presidente na ang P10 billion kasi sa natapyas na ₱12 billion ay ilalaan sa computerization item kaya’t tinatrabaho aniya nila na maibalik ito.
Ayon pa sa Pangulo, ayaw niyang mag-veto ng anumang line item sa budget, kaya’t pinapangako niyang gagawa siya ng paraan at gagawa ng hakbang tungkol sa budget cut.
Kumpiyansa si Pangulong Marcos na maibabalik pa ang pondo ng DepEd dahil gagamitin ito para sa computerization item.