Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hanggat maari tuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes, July 29,2024 sa mga lugar na kaya naman.
Ayon sa Presidente kaniya ding ipina-uubaya sa pamunuan ng mga eskwelahan ang desisyon kung ituloy ang pagbubukas ng klase o hindi lalo at may mga school buildings ang binaha at nasira ang mga kagamitan.
Pero duon aniya sa mga hindi naapektuhan ng baha ay dapat tuloy ang pagbubukas ng klase.
Direktiba ni Pangulong Marcos kay Department of Education Secretary Sonny Angara na gawin ang lahat para tuloy ang pagbubukas ng klase.
Aminado naman ang Presidente na may mga lugar din na talaga hindi pwede dahil apektado ang mga paaralan.
” As much as possible. Hangga’t maari. If the school buildings are in a condition to take classes, they will do it. Pero meron pa talaga na kakaunti na lang yung may tubig pero marami naiwan na putik, hindi magamit. Tapos may nasira na gamit, We’d have to replace them. So yes, as much as possible, it will be up to the school to decide what they.. Kung kaya o hindi. Siguro yung iba mapipilitan, they will conduct classes outside of the school building, makapag klase lang. Tingnan natin. They will… Ganyan naman. Nasanay na tayo sa pandemic, hahanapan natin ng paraan para magkaroon pa rin ng klase,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.