Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi nito isusuko ng pamahalaan si dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Sagot ito ng Pangulo sa tanong kung isusuko ba ang dating pangulo sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC.
Sa presidential forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, muling binigyang diin ni Pang. Marcos na hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC.
Paliwanag nito, nag-aapply lang ang ICC kung walang police force at judiciary kaya hindi ito uubra sa bansa na malakas at aktibo ang pulisya at hudikatura.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na gumagana ang justice system ng bansa kaya walang dahilan para pumasok ang ICC sa bansa.
Pinagmalaki din ng Pangulo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon mas pinalakas pa ang kampanya sa iligal na droga na nakatutok sa prevention at rehabilitation.
” That is the reason why we are saying we are well within the rules. It is their rule. It is the rule of ICC that they come in when there is no judiciary, they come in when there is police force. We have a judiciary. The former Chief Justice is sitting right here, he will explain to you how healthy and robust and how active the judiciary is. The police force, I think, is the same thing. So that is the reason. We are well within international law when we take the position of not recognizing the jurisdiction of ICC in the Philippines,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.