PBBM sinabing hindi overkill at paglabag sa karapatang pantao ang paggamit ng libo libong pulis sa pagsisilbi ng warrants of arrest laban kay Pastor Quiboloy at di ito politically motivated
Walang nakikitang overkill scenario at paglabag sa karapatang pantao si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginagawang police operation sa compound ng kingdom of Jesus Christ sa Davao city para isilbi ang warrants of arrest laban kay pastor Apollo Quiboloy.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos na hindi nangangahulugan ng paglabag sa karapatang pantao ang paggamit ng maraming bilang ng pulis, lalo na kung ang lugar kung saan hinahanap at pinaniniwalaang nagtatago ang target sa 30 ektaryang lupain kahit pa aniya itanong ito sa Commission on Human Rights.
Sinabi ng Pangulo hindi aniya uubra sa ganito kaluwag na compound ang isang dosenang pulis lamang para hanapin si Quiboloy.
Giit ng pangulo, ang layunin ng paggamit ng maraming bilang ng pulis ay para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ginagawang operasyon, lalo na kung nagri resist ang mga tao o tagasuporta ni Quiboloy.
Ayon pa sa Pangulo na hindi armado ang mga pulis na pumasok sa compound, hindi gumamit ng baril o tear gas.
Dagdag pa ng Pangulo hindi niya maintindihan kung bakit dinadamay pa ni Quiboloy ang kaniyang mga tauhan para lamang niya maiwasan o mapagtaguan ang batas.
Sabi pa ng pangulo, ang mga taga suporta ni Quiboloy ay believers lamang subalit hindi naman pumirma ang mga ito para maging frontliners at protektahan siya sa pagkaka aresto.
Para aniya sa mga taong iginigiit na may overkill at may paglabag sa karapatang pantao, namumulitika na lamang ang mga ito.