-- Advertisements --

Hinihintay na ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lahat ng testimonya na ibinigay kahapon, kasama ang mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay isasama at susuriin din ng PNP.

Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo, ay malalaman ang tunay na kahulugan at posibleng epekto ng ilang pahayag ni Duterte sa legal na aspeto.

Ito aniya ay maaaring magresulta sa pagsasampa ng kaso na may kinalaman sa nasabing usapin.

Sinabi ng Presidente na kung pumapayag si Duterte na makipag-ugnayan o magpaimbestiga sa International Criminal Court (ICC) ay nasa dating presidente na ito at hindi aniya nila ito hahadlangan.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, hindi nila haharangin ang posibleng imbestigasyon ng ICC at hindi rin naman ito tutulong dito.

” Well, it’s – right now, that is being done by the PNP. And so, we are looking – we’re waiting for their findings. But you know, all of the testimony that was given yesterday really – will be taken in and will be assessed to see what – in legal terms, what is the real meaning and consequence of some of the statements made by PRRD,” pahayag ni Pang.Marcos.