Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hirap na makabuo ng quorum para atupagin ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam kay Pang. Marcos kaninang umaga sa Leyte, kaniyang sinabi na malapit na kasi ang campaign period at abala na dito ang mga kongresista at mga senador sa pangangampanya.
Ibig sabihin nito wala na aniyang mga kongresista at senador na tututok o magbibigay ng panahon para tugunan ang mga reklamong impeachment dahil sigurado aniyang mangangampanya na ang mga ito.
Sinabi ng Pangulo na para sa kaniya hindi ito ang tamang timing o panahon para pag usapan ang impeachment.
Samantala, sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa naging opinyon at paninindigan ni Chief Presidential Legal Counsel, Secretary Juan Ponce Enrile hinggil sa posibleng maging precedent kapag hindi hinayaang gumana ang nakasaad sa saligang batas kaugnay ng mga isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang diin ni Pang MArcos na si Enrile ay isa sa best legal thinkers sa bansa.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na totoo naman ang obserbasyon ni Enrile na mandato ng KAmara at Senado na dinggin ang mga reklamong impeachment laban kay VP Sara.