Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na kailangan na magkaruon ng pagbabago sa gagawing mga flood control plan.
Sa situation briefing sa Mauban Quezon, inihayag ng Pangulo na dapat ng maging isang malaking plano ang tungkol sa flood control gayung may pagbabago na sa sitwasyon sa usapin ng tubig baha.
Sa ginawang pag-iikot ng Pangulo nakita nito na may pangangailangan ng ayusin ang flood control design.
Ipinunto ng Presidente na ang mga itatayong flood control ay dapat angkop sa kasalukuyang panahon kung saan dapat ikunsidera ang climate change at pagtaas ng tubig dagat.
Dahil dito iniutos ng Pangulo na gumawa ng kailangang hakbang para sa flood control management.
Sa nasabing situation briefing ay pinatitiyak din ng Pangulo na mahahatiran ng tulong ang sinomang nangangailangan kasunod ng naranasanag kalamidad.