Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue na ang katubigan sa West Philippine Sea ay maituturing na buhay ng bawat Pilipino.
Itoy matapos ihayag ng Presidente na hindi nito isusuko ang kahit isang pulgada ng sovereign rights at hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sa kanyang pangunahing talumpati, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga kalahok sa diyalogo na hindi nito payagan ang sinuman na alisin ang West Philippine Sea sa maritime domain na nagpapabuo sa bansang Pilipinas.
Inihayag ng Punong Ehekutibo na bilang Presidente nanumpa ito na simula sa kaniyang pag assume sa pwesto wala itong balak na sumuko sa pakikipaglaban sa teritoryo ng bansa.
Una ng siniguro ng pamahalaan na protektahan nito ang mga mangingisda laban sa pambu bully at pangha-harass ng China.