Naging mabunga at produktibo ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani ng Qatar na nasa bansa para sa dalawang araw na State Visit.
Ayon sa pahayag ng Pangulo, hindi lamang magbubunga ng mas malakas pang relasyon ng Pilipinas at Qatar ang magiging resulta ng kanilang pagkikita subalit magbubunga din ng mas marami pang oportunidad sa ibat – ibang larangan.
Sa kabilang dako, sa hanay naman ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani inihayag nitong Isang importanteng partner ang Pilipinas sa ibat- ibang field Lalo na sa larangan ng trade and economic cooperation.
Sa pamamagitan aniya ng ilang mga Kasunuduan at memorandums na nilagdaan ay naniniwala siyang magsisilbing Daan ito para mas mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.