Pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa joint maritime patrol exercises sa pagitan ng Philippine Navy at French Navy na gagawin sa bahagi ng West Philippine Sea.
Reaksiyon ito ng Punong Ehekutibo matapos ihayag ng French navy na nais nila magkaroon ng joint exercises sa pagitan ng dalawang navies.
Ayon kay Pangulong Marcos, lubos na nagpapasalamat ang gobyerno sa iba pang mga bansa na nakahandang tumulong sa Pilipinas sa oras ng pangangailangan.
Sinabi ng Pangulo, ang ganitong inisyatibo aniya ang tumutulong sa bansa upang igarantiya ang ang freedom of navigation sa West Philippines Sea.
Malaking tulong din ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.
Lubos naman ang pasasalamat ng Pangulo sa mga banyagang bansa na patuloy na nagbibigay ng tulong sa Pilipinas lalo na sa panahon na kinakailangan.
Kamakailan nagsagawa ng trilateral maritime exercises ang Pilipinas, Estados Unidos at ang France.