-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaking benepisyo sa ekonomiya ng bansa ang itatayong Bataan-Cavite Interlink Bridge Project na makakatulong din sa pagluwag ng trapiko ngayong sinisimulan na ang major infrastructure projects sa bansa.

Ayon sa Punong Ehekutibo magiging mura na ang pag transport sa mga goods at maging ang pamasahe ng mga mananakay.

Kinumpirma din ng Pang. Marcos na nagsimula na rin ang pre-engineering at pre-planning para sa nasabing proyekto.

Subalit ayon sa chief executive ang downside ng nasabing proyekto ay matatagalan ang construction dahil ito ay isang 32-kilometer bridge, pangalawang longest bridge sa mundo.

Kinukunsidera din ng gobyerno ang Panay-Guimaras-Negros bridge na magbubukas sa rehiyon sa mga negosyo at iba pang mga oputunidad.

Ayon naman kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na kanilang iniimbitahan ang mga international contractors na may sapat na experiensiya sa pagtatayo ng nasabing major infrastructures sa Luzon at Visayas.

Ang Bataan-Cavite interlink Bridge ay proyekto ng DPWH sa pakikipag tulungan ng Asian Development Bank (ADB).