-- Advertisements --

It’s a free country.

Ito ang reaksyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa plano ng mag-aamang Duterte na tumakbo sa mga susunod na eleksyon.

Ayon sa Pangulo na maaaring gawin ng mga Duterte kung anong gusto nila.

Pero para sa Presidente, maaga pa para pag-usapan ang 2028 dahil marami pang pwedeng mangyari.

Sabi ni PBBM, magiging malinaw lang ang sitwasyon pagsapit ng Oktubre o sa filing ng certificates of candidacy.

Dito kasi anya magkakaalaman kung sino-sino talaga ang mga tatakbo sa eleksyon.

Una rito, inanunsyo ni VP Sara Duterte na sasabak sa senado sina dating Pang. Rodrigo Duterte at kanyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Baste Duterte, at Davao City Rep. Paolo Duterte.

Plano rin daw ni Mayor Baste na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028.