Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mali ang disenyo ng bumagsak na tulay sa Isabela.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos bisitahin nito ang Cabagan-Santa Maria bridge na gumuho matapos sunod sunod na tumawid sa tulay ang tatlong overloaded na dump truck.
Sinabi ng Pangulo sa ngayon pakatutukan muna ng gobyerno ang pagsasaayos sa tulay at saka nito habulin ang mga nasa likod ng proyekto.
Ang tulay, na sumasaklaw sa 990 metro at binubuo ng 12 arko at siyam (9) na span ng pre stressed concrete girders, ay dinisenyo para lamang sa mga light vehicles at isang mahalagang ruta na nag uugnay sa Cabagan at Santa Maria sa Enrile, Cagayan at Tabuk City, Kalinga.
Nagsimula ang pagtatayo ng Tulay ng Cabagan Santa Maria noong Nobyembre 2014 at natapos noong Pebrero 1, 2025 sa kabuuang halaga na PhP1.22 bilyon.
Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castro na kabilang sa bubusisiin ng pamahalaan ay kung bakit underdesigned ang nasabing tulay.
Sa initial investigation daw kasi, lumalabas na naka desinyo ang tulay, sa mga light vehicle lamang.
” Will You know, I always have a saying, fix the problem not the blame. Ayusin muna natin ‘yung problema. Believe me, we will find out who is responsible. Who is responsible is basically who made the design ‘cause their design was poor. Look what happened. And then also, those trucks should never have been on the bridge. So, sinong liable diyan, province?,” pahayag ni Pang. Marcos.