Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos jr na malaking tulong sa early detection ng mga sakit ang ipinamahaging mga state of the art mobile clinics ng Department of Health (DOH) sa mga malalayong lugar sa bansa.
Dahil may dahilan na ang ating mga kababayan na magpa konsulta.
Sinabi ng Pangulo ito rin ang unang pagkakataon na magkaroon ng medical record ang ating mga kababayan na siyang magiging basehan para mapigilan o magamot na ang anumang sakit gaya ng diabetes, tuberculosis at iba pa.
Sa pamamagitan ng mga mobile clinics at sa tulong ng lokal na pamahalaan, inaasahan na mapapalapit ang serbisyong medikal sa mga lugar na matagal nang nangangailangan ng higit na atensyon ang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.
Sa loob ng bawat unit ng mobile clinics, mayroon itong isang X-ray, ultrasound, at laboratory equipment mga pangunahing kagamitan na makakatulong para sa mga early diagnosis.
Nanawagan din ang pangulo sa mga LGUs na aktibong gampanan ang kanilang mandato sa usaping pangkalusugan.
Sinabi ng Pangulong Marcos ang mga LGUs ang siyang tulay para maging matagumpay ang mga programa ng pamahalaan.
Siniguro ng Presidente na papakinggan nito ang pangangailangan ng sambayanang Filipino lalo na ang sektor ng kalusugan.
Ang mobile clinics ay malaking tulong sa healthcare system ng bansa.
Ito ay bahagi ng malawak at pangmatagalang plano sa ilalim ng Health Sector
8-point Action Agenda.
” So, I think that’s must be we must include that as an important part of this na para doon sa area na ‘yan, ‘yung mga hindi masyadong, medyo malayo at hindi masyadong makapunta sa ospital, magkaroon ng medical record para habang tumatagal ang panahon nakikita kung sila ba’y lumalala ang sakit o gumagaling naman o nagka-komplikasyon. Para makita ‘yung record nila doon sa nakaraan, doon sa health status nila. And that’s a very, very important part dahil marami sa mga tauhan natin, marami sa mga kababayan natin, hanggang ngayon walang medical record. Matatanda na sila pero wala silang medical record. Pagpasok nila sa ospital, magpapatingin man sila ay ang doktor at saka ‘yung mga staff ng mga ospital ay tinitingnan pa rin sa starting from square one, ‘ika nga,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos.