-- Advertisements --

Inihayag  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na nabuo na ang pinaka malaking political block sa bansa kasunod ng paglagda ng alyansa sa pagitan ng Partidp Federal ng Pilipinas at ang Nacionalista Party.

Ito na ang ika-apat na alyansa na pinasok ng PFP sa iba pang malalaking political party sa bansa.

Personal na tinunghayan ni Pang Marcos ang signing ceremony na ginanap sa Taguig City.

Ayon kay Pangulong Marcos kailangan nang simulan ang paglalatag ng mga pangalang pupuno sa kanilang senatorial line up.

Ipinunto ng Presidente na dapat ang mga taong ilalagay at iboboto ng tao ay hindi pulitika ang inisiip kundi uunahin ang kapakanan ng mga kababayan natin at ang bansang Pilipinas.

Sinabi ng Presidente na mas magiging malakas ang pundasyon na ang tanging layunin ay bigyan ng maganda at maayos na buhay ang mga Pilipino.

Ayon kay Presidente sigaw ng lahat ang pagkakaisa o unity, wala na ang puwang ng hindi pagkaka-intindihan dahil hindi makamit ang mga mithiin kung hindi nagkaka-unawaan.

Punto pa ng Pangulo, importante na inuuna ang kapakanan ng ating mga kababayan at pagsilbihan ang mga ito.

Ikinagalak din ng Punong Ehekutibo ang pag formalize sa sa alyansa ng PFP at Nacionalista Party.