-- Advertisements --

Walang pangangailangan na magpadala ng warship ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ng Pangulong Marcos kasunod ng panibagong panggigipit ng Chinese vessel sa mga barko ng Pilipinas sa Bajo de masinloc at Hasa hasa shoal sa WPS.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi nakikipag giyera ang Pilipinas sa China kaya walang pangangailangan na magpadala ng warship o barko ng Philippine Navy sa tinaguriang disputed islands.

Sinabi ng Pangulo, sa katunayan ang Pilipinas ang laging nagpapababa sa antas ng tensyon sa West Philippine Sea.

Sa ngayon ang tanging ginagawa ng Pilipinas ay magsagawa ng resupply at rotation mission sa mga tropa na naka station sa BRP Sierra Madre at sa mga mangingisda.

Nanindigan si Pangulong Marcos Jr na hindi magiging agent ang Pilipinas ng escalation o paglala ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, kung susuriin ang kasaysayan at progreso ng sitwasyon sa wps, hindi kailanman naging bahagi ng paglala ng tensyon dito ang pilipinas.
Samantala sa panig ng AFP, hindi na kailangan pa na magdeploy ng gray ships sa WPS dahil may mga barko na ang nagsasagawa ng routinary maritime patrols.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, may mga navy vessels na ang naka deploy na nagsasagawa ng maritime patrols upang matiyak ang seguridad sa ating teritoryo.