-- Advertisements --

Nakahanda ang Pilipinas na magpadala ng mga mangagawang Pinoy sa Kingdom of Saudi Arabia kung mayrun lang ding workforce na maaaring ipadala.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr Kay Saudi Arabia Ambassador Hisham Sultan Abdullah Alqahtani na nag- farewell call kamakailan sa Punong Ehekutibo.

Ang tugon ng Pangulo ay sa gitna ng naging pahayag sa kanya ng KSA Official na mangangailangan sila Ng skilled Filipino workers partikular para sa gagawin nilang mega projects sa Jeddah at north Saudi Arabia gaya sa area ng Red Sea.

Ang mga nakalinyang proyekto ayon Kay Ambassador Alqahtani ay bahagi ng gagawing pagho- host ng Saudi Arabia para sa World Cup 2030.

At sa gitna ng naturang oportunidad para sa mga pinoy workers ay ibinida Naman Ng Pangulo na Hindi matatawaran ang angat na galing ng mga manggagawang Pinoy.

Ayon kay Ambassador Alqahtani ay sadyang naging bahagi sa pag- unlad ng Saudi Arabia ang mga Pilipino sa nakalipas na 40 taon.