Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tapos na ang kaniyang speech para sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22,2024.
Sa isang ambush interview sa Luna Apayao, sinabi ng pangulo na fine tuning na lamang ang kailangan.
Gagawin aniya nila ito bukas hanggang linggo para maihanda sa lunes, july 22.
Sinabi ng Presidente, napakarami sana siyang gustong pag usapan at ipasok sa sona subalit baka aniya masyadong humaba ang kaniyang ulat sa bayan.
Dahil dito, bahala na aniya ang kaniyang mga cabinet secretaries na magpaliwanag ng mga detalye.
Sa martes at miyerkules ay may nakatakdang post sona discussions na gagawin ang mga miembro ng gabinete para ilatag ang buong detalye ng sona ng pangulo.
Hahatiin ang diskusyon sa pamamagitan ng food security and economic development cluster na binubo ng mga cabinet secretaries mula sa office eof the special assistant to the president for investment and economic affairs, neda, dof, dbm, dti, dot, da, at dar.
Environmental protection and disaster risk reduction cluster na binubuo ng denr, dost, office of civil defense, at dilg.
Health and social welfare protection cluster na binubuo ng doh, dswe, dhsud at philhealth
Education and worker’s welfare development cluster na binubuo ng dep ed, dole, dmw, ched at tesda.
Infrastructure development and energy security cluster na binubuo ng dpwh, dotr, doe, at dict.
Ang good governance, peace and order and security cluster na binubuo naman ng dilg, dnd, doj, dfa, office of the national security adviser, anti red tape authority, office of the presidential adviser on marawi rehabilitation, Philippine national police at armed forces of the Philippines (AFP).