-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayang Pilipino na tularan ang kagitingan, integridad at katatagan na ipinakita ng mga bayani ng Bataan dahil gaya sa kanila naging matagumpay ang bansa sa pagharap sa mga pagsubok sa panahong ito.

Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag sa paggunita ngayong araw ng ika-82nd anniversary ng Araw ng Kagitingan, April 9,2024.

Sinabi ng Punong Ehekutibo ang mga dakilang sakripisyo ng ating mga ninuno ay magsilbi sanang inspirasyon ngayon at sundin ang kanilang pamana sa pamamagitan ng pagtutulungan upang magkaisa na mapagtanto ang Bagong Pilipinas na hinangad ng sambayan.

Kinilala naman ng Pangulo ang tapang at dedikasyon ng mga beterano ng digmaan, na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng bansa.

Binigyang-diin ng Presidente ang pangangailangan na ipagpatuloy ang mga adhikain ng mga bayani upang mapaunlad ang bansa at angkinin ang mga tagumpay na dulot ng kanilang sakripisyo.

Kaugnay nito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang bawat Pilipino na magtulungan at magkaisa para sa ikauunlad ng bansa.

Kaninang umaga pinangunahan ng Pangulo ang selebrasyon ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, sa Mount Samat National Shrine sa Bataan.