Tniyak ni Pang. Ferdinand Marcos na tuloy ang PUV modernization sa kabila ng panawagan ng 22 senador na suspindihin ito.
Ayon kay Pang. Marcos hindi siya sang-ayon sa rekumendasyon ng mga senador dahil 80 percent na sa mga kooperatiba ay nagconsolidate na at 20 percent na lamang ang hindi.
Binigyang-diin ng Presidente na hindi pwede mag adjust ang majority sa minority kaya tuloy ang PUV modernization.
Nilinaw din ng Pangulo na hindi ito minadali dahil pitong beses na ito na postponed.
Aniya hindi pwede na ang 20percent ang mag decide sa buhay ng 100 percent.
Giit ng Pangulo majority ang kaniyang papakinggan kaya tuloy ang PUV modernization.
Nagpasalamat naman ang Department of Transportation kay Pang. Marcos dahil sa suporta nito sa PUV modernization