Personal na sinaksihan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kauna unahang amphibious assault exercise kung saan tampok ang coordinated amphibious and land operation (ALON) bilateral training sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines, Australian Defense Force at United States Marine Corps sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, San Antonio, Zambales.
Ito ay ang ikalawang bahagi ng three field training exercises sa ilalim ng Indo Pacific Endeavor ALON 2023.
Layon ng bilateral exercise na mapalakas ang proficiency at maipakita ang kapabilidad ng maritime, amphibious at land operations ng sandatahang lakas ng tatlong bansa.
Gamit ang binoculars ay pinanood ng Pangulong Marcos ang ginagawang aksiyon o exercises ng mga sundalo sa karagatan at sa mga burol.
Nasa mahigit 2,400 sundalong Pilipino, Amerikano at Australyano ang kalahok sa bilateral exercises.
Sa nasabing bilang, 900 dito mga sundalo ay mula sa AFP partikular ang Philippine Marines, 150 mula sa United States Marine Corps, at 1200 mula sa Australian Defense Force.
Nagkaroon din ng training exercises na ginawa sa Punta Baja Rizal, palawan kung saan itinampok naman ang air assaul exercise.
Nakatakda namang isagawa ang ikatlong field training exercise sa August 27 sa Capas, Tarlac kung saan masasaksihan naman ang land and air training.
Inilunsad ang bilateral exercises noong 2017 na naglalayong pasiglahin ang regional security and partnership sa Indo Pacific sa pamamagitan ng engagement, training, at humanitarian efforts sa southeast asia at northern Indian ocean.
Ang ALON exercise ay umaayon sa isinusulong na whole of government strategy ng administrasyong Marcos na may nakapaloob na humanitarian assistance, maritime law workshops, at gender and peace security fora.