Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglagda nina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko ang Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement.
Ang paglagda ay ginanap sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga.
Palalakasin ng naturang kasunduan ang military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palitan ng military drills and exercises sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Japan.
Nabatid na ang RAA ay nabuo sa inaugural Philippines – Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong April 2022 na ginawa sa Tokyo, Japan.
Habang ngayong araw naman ay pormal na bubuksan ang ikalawang defense at security talks o 2+2 meeting sa bansa, kung saan inaasahang tatalakayin ang isyu sa bilateral, defense at security na nakakaapekto sa rehiyon.
Kalahok dito ang Department of National Defense gayundin ang iba pang delegasyon mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice.