-- Advertisements --

Sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang nagpapaliban sa BARMM Parliamentary Elections ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.

Nakatakda sana sa October 2025 ang kauna-unahang Parliamentary BARMM elections.

Ang tugon ng Malakanyang ay kasunod ng naging pahayag ni Senate President Chiz Escudero na sinertipikahan urgent ng Pangulo ang nasabing panukala.

Sa ngayon tinatalakay na ng senado ang nasabing panukala at target nila maipasa ito sa second reading ng sa gayon sa susunod na linggo maaprubahan na ito sa third and final reading.

Hindi naman nagbigay ng paliwanag si Secretary Chavez ukol dito.