-- Advertisements --
Sumaglit lamang para manood ng concert ni Eric Clapton si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Madison Square Garden sa New York.
Umabot lamang ng 30-minutong nanood ang pangulo nitong Setyembre 19 o bago ang pagsisimula ng United Nations General Assembly.
Isinagawa aniya ang panonood matapos ang magkakasunod na aktibidad ng pangulo pagdating nito sa New York.
Magugunitang nasa New York si Marcos para dumalo sa UN General Assembly kasama ang ilang mga matataas na lider ng mundo.
Nakilala ang beteranong singer sa mga kanta nito gaya ng “Wonderful Tonight” , “Tears in Heaven”, “Layla” at maraming iba pa.