Suportado at nauunawaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ginawang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng Lakas-CMD.
Ayon sa Chief Executive simple lang naman ang layunin dito ni VP Sara, ayaw nitong maabala o mawalan nang focus sa kaniyang trabaho.
Una ng sinabi ni Vice President Duterte na nasa pwesto siya ngayon dahil sa tiwala ng taong bayan at kanilangan niya ito suklian sa pamamagitan ng pagsilbi sa publiko.
Sinabi ng Pangulong Marcos, maraming trabahong kailangang pagtuunang pansin ng pangalawang Pangulo hindi lamang bilang vice president kundi maging sa Department of Education at ngayon pati ang NTF-ELCAC.
Sabi ng Pangulo,ayaw niya makisawsaw sa isyu na partidong kinabibilangan ng bise presidente.
Giit ng Pangulo patuloy siya magta trabaho.
Ipinunto din ng Pangulong Marcos na prangka si VP Duterte at kung ano aniya ang sinabi nito ay yun ang kaniyang gagawin at paninindigan.