-- Advertisements --
meeting2

Suportado ni Pangulong Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatayo ng mga “silo” o imbakan ng bigas sa bansa na layon nito para matiyak na may sapat na buffer stock ng bigas sa buong bansa.

Dahil dito inatasan ng chief executive ang Department of Agriculture na pag-aralan ang nasabing panukala.

Inihayag ito ng Pangulo sa ginanap na pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) noong Huwebes.

Ibinahagi ng Pangulo ang kahalagahan ng pag-aral sa paggamit ng rice stations at modules para matiyak ang sapat na suplay ng bigas.

Ang nasabing plano ay naaayon sa Food Security Infrastructure Modernization Plan ng Department of Agriculture.

Sa ilalim ng proyekto, isang mother station ang itatayo para sa bawat 10 istasyon na may 30-kilometrong radius ang layo mula sa pangunahing istasyon.

“We should really look into it because it’s a successful program,” wika ng Pangulong Marcos.

Ayon kay Aileen Christel Ongkauko ng La Filipina Uy Gongco Corp., na siyang namumuno sa PSAC Agriculture group na ang nasabing sistema ay kasalukuyang ipinapatupad ng ibang mga bansa gaya ng China, United States at India.

Binigyang-diin ni Ongkauko na ang nasabing proyekto ay maaring gawin sa pamamagitan ng Public-Private Partnership scheme kung saan ang kabuuan ng nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P170 billion.