Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planon ng Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng rightsizing sa kanilang hanay, upang ma-maximize ang police force, at mapataas ang police visibility sa buong bansa.
Sa ikalawang command conference sa Camp Crame, sinabi ng pangulo na ang sa paraang ito, maiiwasan ang pag-doble ng mga trabaho at responsibilidad sa police force.
Sa pamamagitan rin nito, mapalalakas ang programa at proyekto ng PNP sa mga komunidad.
Sinabi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang plano ng pamahalaan, malinaw na mabalangkas ang functions, imbestigasyon, at operasyon ng PNP personnel.
Sa kasaluyang set-up ng PNP ,nagkakaroon ng duplicity of work, kaya ngayon ginagawan na ng hakbang para maisa ayos at mapalakas ang presensiya ng mga pulis sa mga kalye at komunidad.