-- Advertisements --

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture (DA) na Food Security Emergency on rice sa bansa.

Sa panayam kay Pang. Marcos sa Leyte  kaniyang sinang-ayunan ang nasabing rekomendasyon ng national price coordinating council (NPCC).

Sa isang ambush interview sa lLeyte ngayong araw, sinabi ng pangulo na hinihintay na lamang na pormal na matanggap ng dept of agriculture ang rekomendasyon sa susunod na linggo.

Paliwanag ng Pangulo, gagawin ang hakbang na ito para gumana nang tama ang merkado sa presyuhan ng bigas.

Aniya sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas.

Dagdag pa nito hindi  aniya  nakasusunod sa  law of supply and demand ang merkado. 

Kaya  kinakailangan na aniyang pwersahan na maibaba ang presyo ng bigas at tiyaking gumagana nang maayos ang presyuhan sa mga palengke. 

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo may iba aniya na  iligal ang pagtataas ng presyo kaya iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara.