Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lagdaan ang panukalang 2025 national budget bago mag pasko.
Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, na posibleng mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa susunod na linggo ang panukalang 2025 pambansang budget.
SInabi ni Chavez, itinakda ang paglagda sa panukalang 2025 budget sa December 20, 2024 alas-9:00 ng umaga sa Malakanyang bilang tentative date.
Sa bicameral conference committee kaninang umaga, nasa P6.352 trilyong piso ang inaprubahang budget para sa susunod na taon, mas mataas ng 10.1% kumpara sa pambansang budget ngayong taon na nasa P5.768 trilyong piso.
Mababatid na sinertipikahang urgent ng pangulo ang 2025 budget bill na nagbigay-daan sa mas mabilis nitong pagpasa.