Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging matatag na ang presyop at suplay ng bigas sa bansa, ngayong nag- uumpisa na ang pag- aani sa mga rehiyong kilalang nagpo- produce ng palay.
Ayon sa Pangulo, nagsisimula ng mag- ani sa Nueva Ecija, Isabela, at sa North Cotabato.
Siniguro naman ng Chief Executive na kanilang babantayan, hindi lamang ang magiging galawan sa presyo ng bigas kundi pati na ang rice supply.
Naniniwala si Pangulong Marcos na ang nagsisimula ng anihan ay magdaragdag sa suplay ng bigas sa bansa habang nakamonitor din aniya sila sa farmgate price gayung ito raw kasi ang nagpataas sa presyo ng bigas sa kasalukuyan.
Batay sa ulat na isinumite sa Chief Executive, maaaring makapag- produce ng 900,000 metric tons ang Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato na ngayon ay nag- aani na ng palay at tinatayang tatagal hanggang sa susunod na buwan ng Setyembre.
Una ng inihayag ni Pang. Marcos na sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit matapos ang El Niño phenomenon sa susunod na taon.
Ginawa ng Pangulo ang katiyakan matapos ang pulong sa mga industry players sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Malacañang.