Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu sa territorial dispute ng Pilipinas sa China sa West PH Sea sa isasagawang trilateral talks kasama ang Japan at Us ayon kay PH Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Ito ay matapos na humiling ang dalawang kaalyado ng bansa na makipagpulong kay PBBM kaugnay sa naturang isyu sa ginaganap na 43rd ASEAN Summit sa Indonesia.
Ayon pa sa envoy, kabilang sa agenda ng pagpupulong ang economic cooperation ng tatlong bansa para palakasin pa ang seguridad sa ekonomiya.
Subalit ayon kay Ambassador Romualdez, pinag-aaralan pa kung kailan isasagawa ang trilateral talks dahil na rin sa mahigpit na schedule ni US VP kamala Harris na nauna ng bumisita sa bansa para pagtibayin ang suporta ng Amerika sa PH na matagal na nitong kaalyado sa gitna ng tensiyon sa WPS.