Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbibitiw sa pwesto ni National Police Commission o Napolcom Commissioner Edilberto Dela Cruz Leonardo.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez batay sa sulat ng Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin para kay DILG Secretary at National Police Commission Chairman Jonvic Remulla na may petsang October 8, 2024.
Sa sulat ni Bersamin, sinasabing nagsumite ng kaniyang resignation letter si Leonardo nitong October 4, 2024 bilang kinatawan ng law enforcement sector ng Napolcom
Si Leonardo ay nagbitiw sa pwesto matapos madawit ang pangalan sa pagpatay kay dating pcso board secretary Wesley barayuga, batay sa lumalabas na imbestigasyon ng quadcom ng kamara.
Si Leonardo ay inakusahan ni PNP Drug Enforcement Group PLtCol. Santi Mendoza na siya umano ang nag-utos na patayin si Barayuga noong July 30,2020.
Ayon kay Mendoza, si Leonardo umano ang nagbigay ng description ng sasakyan at plaka ni barayuga para ito patayin paglabas ng opisina.
Ipinag uutos ni Bersamin si Remulla na agad ipagbigay alam kay Leonardo na effective immediately ang pagtanggap ng pangulo sa kaniyang pagbibitiw sa pwesto.