-- Advertisements --

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy. 

Ayon sa Malacañang, magtatalaga muna si PBBM ng isang Officer-in-Charge (OIC) upang pamunuan ang kagawaran habang naghahanap ng magiging bagong kalihim ng DICT.

Pagtiyak ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, hindi maaantala ang mga serbisyo at programa ng ahensya kahit may pagbabago sa liderato sa mga susunod na araw. 

Ang DICT ay may mahalagang papel sa pagpapabilis ng internet connectivity, digital governance, at cybersecurity sa bansa.

Samantala, inaasahang sa mga susunod na araw nga ay mag-aanunsyo si Pangulong Marcos ng bagong kalihim na mamumuno sa nasabing ahensya.