Nagsalita na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa kumakalat na balita na nag resign sa pwesto si Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Tinawag na fake news ng Pangulo ang nasabing ulat.
Aniya sa ngayon walang pagbabago sa gabinete.
Giit pa ng Presidente kung may pagbabago man ang Malakanyang ang mag-aanunsiyo.
Ayon sa Pangulo mga desperado ang nag iimbento ng istorya para gumawa ng gulo.
Giit ng Pang.Marcos ang mga naninira walang ambag sa buhay ng bawat Pilipino.
Panawagan ng Presidente sa publiko na huwag agad paniwalaan ang mga kumakalat na ulat at mag ingat.
Sabi ng Pangulo hindi nila pinapansin ang mga ganitong mga pekeng balita.
“ Fake news. Iyan ang pinakamasamang halimbawa ng fake news na kinakalat ng ating mga… kung sinu-sino man sa social media. Mag-ingat po kayo at kilatisin nang mabuti kung may nababasa kayong ganyan.Dito sa issue ng kay Sec. Teodoro, natatawa na lang kami. Tinawagan ko siya kaninang umagang-umaga: ‘Magre-resign ka raw?’ Sabi niya, ‘Bakit? Paalisin mo na ako?’ Sabi ko, ‘Bakit kita paalisin, wala naman tayong problema?’ Hindi yun yun ang lumabas na balita eh. Sabi niya ‘wag natin papansinin. Sabi ko pero kailangan nating sagutin at ipaliwanag sa taumbayan na itong ganitong klaseng mga tsismis, mga Marites, kinakalat lang nila ito para manggulo. ‘Wag po kayong madala sa ganyan. Patuloy po ang aming trabaho. Hindi po kami titigil. Lahat po ng ating mga kasamahan ay walang ginawa po kundi araw-araw, paggising hangga’t matulog ay kung paano tumulong at paano pagandahin ang Pilipinas. ‘Yan po ang hangarin ng lahat ng pamahalaan ninyo. ‘Wag po kayo nadadala sa mga fake news na ganyang klase. ‘Wag po kayong mdadala sa mga ‘yang mga pampagulo na ginagawa nila,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.