-- Advertisements --

Tinawag na professional liar ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating PDEA agent Jonathan Morales kaya hindi ito dapat bigyan ng importansiya.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo tila maikumpara si Morales sa isang jukebox kung saan maghulog ka ng pera lalabas ang kanta na gusto mo.

Binigyang-diing ng Presidente na walang saysay ang mga pahayag ni Morales lalo at wala itong kredibilidad na maging testigo lalo at hindi maganda ang record nito.

Ayon sa Presidente mayruong kaso si Morales na false testimony kaya wala itong credibility at kung sinu-sinong mga indibidwal na ang kaniyang isinasangkot.

Giit ng Pangulong Marcos tila ginagawa na ni Morales na hanapbuhay kaya maituturing siyang professional liar.

Kung maalala ibinunyag ni Morales na kabilang sa drug list ng PDEA si Pang. Marcos.

Subalit pinasinungalingan naman ito ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).