-- Advertisements --

Tahasang sinabi ni  Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nagsisinungaling si dating Pang Rodrigo Duterte kaugnay sa alegasyon nito na may pinirmahang blangko sa2025 national budget.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na alam ni Duterte bilang dating Pangulo na hindi pwedeng magpasa ng General Appropriations Act nang may blangkong items.

Alam din anya ni Duterte na hindi pa nangyari ang ganitong insidente sa kasaysayan ng Pilipinas.

Giit ni PBBM, malinaw na nakasaad sa GAA ang bawat programa at proyekto at kung magkano ang alokasyon sa mga ito.

Gaya ng naunang pahayag ni ES Lucas Bersamin, mayroon naman anyang kopya ng GAA sa website ng DBM at pwedeng hanapin at tingnan doon ang sinasabi ng dating Pangulo at kanyang mga kaalyado na mala-“blank check” para malamang hindi ito totoo.

“He’s lying. He’s a President. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying. And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen. Sa buong, sa kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagay kung ano yung project, at saka ano yung, yung gastos, ano yung pondo. So, it’s a lie. 

We, ah, I was watching the news earlier today and people were saying, it’s 4,000 pages. Papaano namin bubusisiin yan. Para titingnan namin iisa-isa. Hindi na lang. Meron namang kopya, that’s available on the website of the DBM. Tingnan nyo, huwag na ninyo busisiin isa isa. Hanapin niyo yung sinasabi nila na blank check. Tignan nyo kung meron kahit isa. Para mapatunayan na tama ang sinasab kong kasinungalingan yan, That’s my reaction,” pahayag ni Pang. Marcos.