-- Advertisements --

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang 2025 national budget ay naka disenyo para tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan na kinakaharap ng bansa at upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya at iangat ang buhay ng mga Filipino at ang mga susunod pang henerasyon.

Nilagdaan ngayong araw ng Pangulo ang 2025 pambansang pondo na nasa P6.236 trillion.

Ayon sa Presidente ang nasabing budget ay sumasalamin sa kolektibong pangako para sa pagbabagong anyo ng mga pakinabang sa ekonomiya sa makabuluhang kinalabasan para sa bawat Pilipino.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo ang pagsasabatas ng GAA para sa Fiscal Year 2025 ay dapat maging maingat sa paggastos sa pambansang pondo dahil marami pa ang kailangan ng ating mga kababayan.

Siniguro din ng Pangulo na ang bawat sentimo ay gagastusin ng maayos at karapat-dapat.

Aniya, maximum prudence ang kanilang ginawa sa paglagda sa General appropriations Act (GAA) for 2025.

Binigyang-diin ng Pangulo na sa kaniyang paglagda sa budget ay bahagi ng kaniyang pangako na i-transform ang economic gains para sa pang matagalang paglago ng sa gayon malaki ang tulong nito sa pag-angat sa buhay ng mga PIlipino.