-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na agad nitong trabahuhin ang kailangang pondo para sa mga lugar at rehiyon na naapektuhan ng kalamidad.

Personal kasing nakita ni Pangulong Ferdinand Marcos jr ang sitwasyon ng mga nabahang lugar sa camanava area.

sinabi ng pangulo na ngayong nakita niya ang tindi ng pinsala sa lugar, alam na niya kung papano ilalatag ang  release package para sa mga naapektuhang lokal na pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang sa National Capital Region nangangailangan ng pondo para tugunan ang naging epekto ng kalamidad kundi maging sa region 3 at calabarzon.

Ipi presinta aniya nila ito sa Department of Budget and Management (DBM) at uutusang ilabas agad ang pondo  para magamit na ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang pangangailangan.

Pangunahin sa gustong masolusyunan ng Pangulo ay ang dahilan ng pagbabaha sa camanava, na kahit walang bagyo ay nangyayari dahil sa nasira nilang navigational gate sa Navotas.

Una nang ipinag utos ng pangulo sa MMDA, DPWH at LGUs na remedyuhan na muna ang problema para mabawasan o mapigilan ang pagpasok sa komunidad ng tubig galing sa dagat habang hindi pa nasisimulan ang pagkumpuni sa nasirang istruktura.

Malaking pinsala rin ang idinulot ng pagbaha sa Marikina city at Quezon city, gayundin sa ilang lalawigan sa regions 3 at Calabarzon.

Ayon sa pangulo, sa sandaling tuluyang gumanda na ang lagay ng panahon ay kaniya ring bibisitahin ang iba pang lugar sa region 3 at Calabarzon para personal ding makita ang iniwang pinsala ng kalamidad.