-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura na sinira ng Bagyong Pepito sa Catanduanes.

Ayon kay Pangulong Marcos dahil sa lakas ng hanging umabot sa halos 200 kilometers per hour, nalipad ang bubong ng mga bahay, at bumagsak ang mga kahoy.

Siniguro ng Presidente nakahanda na umano ang ipamamahaging mga materyales sa pagku-kumpuni ng mga bahay.

Bibigyan din ng cash assistance ang mga residente na partially o totally damaged ang bahay.

Prayoridad din umano ang pagsasaayos sa telecommunications para sa libreng telepono at internet, at sisikapin na ring maibalik ang suplay ng kuryente.

Aminado ang Pangulo na posible matagalan pa ang pagkukumpuni sa linya ng mga kuryente.