Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang buong suporta sa bagong talagang PNP Chief na si PMGen. Rommel Francisco Marbil bilang ika-30th pinuno ng pambansang pulisya.
Si Marbil ang pumalit sa pwesto ni retired PNP Chief Gen. Benjamin Acorda.
Sa change of command at retirement ceremony na kanina inanunsiyo na si Marbil ang pinili ni Pang. Marcos na mamuno sa pambansang pulisya.
Bilin ni Pang. Marcos kay Marbil na panatilihin ang propesyunalismo sa kanilang organisasyon at gawing pro-God, pro-country,pro-people at pro-environment ang Pambansang Pulisya.
Pinasisiguro din ng punong ehekutibo na ang PNP ay magsilbing progresibo na magbabago sa buhay ng mga tao at matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa bawat komunidad.
Pinuri din ng Pangulong Marcos ang naging kontribusyon ng PNP sa kaunlaran ng bansa.
Pinasalamatan din nito ang pamilya ng mga pulis sa kanilang sakripisyo at pag intindi sa misyon at trabaho ng kanilang mga kaanak.
Hinikayat din ng Pangulo ang publiko na manatiling alerto at mapagmasid sa harap ng mga hamon habang nagpapatuloy sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas kung saan mamumuhay aniya ang mga Pilipino sa gitna ng kapayapaan.